It all  started with ryan making a comment, "wala, iba talaga ang south sa  north." you see, ryan is a south boy, joaquin is a north boy, and i  am a south girl. (just for example's sake, here are sample demographics.  a north boy is a 17-year old ateneo student who lives in xavierville  and uses a nokia 6630, while a south boy is a 19-year old dlsu student  who lives in bf homes and uses a nokia 7650.)
they threw  characteristics of a south boy or north boy at me, and i had to confirm  or deny. in the end, all their observations proved to be pretty much  correct. let me share a few..
ang north boy, kung gusto ka,  liligawan ka.
ang south boy, hindi mo alam, nililigawan ka na pala.
ang north boy, crush siya ng barkada mo.
ang south boy,  gustong makatambay ng barkada mo.
ang north boy, liligawan pati  nanay mo.
ang south boy, babarkadahin ang nanay mo.
ang  north boy, tahimik at polite kapag kasama ang pamilya mo.
ang south  boy, makwento at masigla kapag kasama ang pamilya mo.
ang north  boy, first date ninyo sa nakaka-impress na restaurant.
ang south  boy, first date ninyo ay movie tapos coffee.
ang north boy,  bongga magregalo.
ang south boy, simple pero meaningful ang  ireregalo.
ang north boy, sasama sa yo at sa barkada mo.
 ang south boy, isasama ka sa barkada niya.
what do you think, agree  ka ba?
via superbianca.blogspot.com
No comments:
Post a Comment